Sunday, April 26, 2009

Kabanata III - gutom

“For all too many life is continous struggle against hunger, mal nutrition, polluted drinking water, infectious disease, ignorance, oppression and violent conflict”

-UN secretary-General Kofi Annan


“The curse of poverty has no justification in our age. It is socially as cruel and blind as the practice of cannibalism at the dawn of civilization, when men ate each other because they had not yet learned to take food from the soil or to consume the abundant animal life around them. The time has come for us to civilize ourselves by the total, direct and immediate abolition of poverty”
-Martin Luther King,Jr.


“walang batang gutom as lemon square cheese cake”
-sabi ng bata sa isang commercial ng tinapay

Poverty, kahirapan, gutom o kung anu-ano pang iba’t ibang klase ng katawagan. Maraming mahirap sa buong mundo. Dito sa pilipinas? Ramdam mo ang kahirapan. 1.3 bilyong katao sa buong mundo ang nakakaranas ng matinding kahirapan. 800 milyon dito ang hindi na nakakaranas makakain ng tatlong beses sa isang araw. 840 milyong matatanda naman ang walang pinagaralan - 538 milyon dito ay baabe. 1.2 bilyong tao naman ang hindi nakakainom at walang pagkukuhaan ng malilinis na tubig. Samantala, sampu sa pinakamayayamang tao sa buong mundo ay may net wealth ng 133 bilyong dolyar - higit pa sa isa’t kalahating kinikita ng isang mahirap na bansa. Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang pera nila na nahigitan pa ang kinikita ng isang bansa, pwede nilang ipapalit ang mga milyong milyong pera nila sa mga barya at maligo sila rito. At kung iisipin mo nga naman, ang buong mundo ay gumagastos ng 92 bilyong dolyar para sa chichirya (junkfood) at 66 bilyong dolyar para sa pampaganda o cosmetics. Parang mas nabibigyang pansin pa ang mga bagay na ito kaysa sa mga naghihirap na tao sa buong mundo.

Kahit saan mo tingnan, as pera umiikot ang buhay ng tao. 90% sa pinoproblema ng bawat tao ngayon - PERA. Minsan kahit napaka daming pera na ng isang tao,namomroblema pa ito kung papaano ito palalaguin at pararamihin. 22% din ng sa mga dahilan ng mga namamatay sa mundo ay pagpapakamatay —- ng dahil sa pera. Carnaper, kidnaper, snatcher, budol budol, hostage taker, shop lifter, mandurukot, magananakaw, manloloko at iba pa. Lahat ng ito ay tila nabubuo na para bang palabas sa TV, may kontrabida, susulsulan ng kontrabida ang isang wlang kamuwang muwang na tao. Mauudyukan ang tao. mamumuo ang maiitim na balak, masamang plano, masamang budhi, libag at maitim na kilikili sa nasabing tao. Boom! unti unti ng dadami ang mga taong ganito. At anu pa nga ba ang kadalasan nating naririnig sa tv kapag nahuhuli sila ng mga police o ni captain barbell? “gipit lang po talaga kami sa PERA,wala pong pang enroll ang kapatid ko,may sakit ang aso ko at kelngan nyang maoperahan,nagugutom ako,blah2.” - at kung anu anu pa. Pero isa lang ang tinutukoy,PERA. Ang gera ngayon sa middle east, ay sanhi ng pinagaawayang mga imbak ng krudo. Krudo na ibinebenta. Krudo o langis ang isa sa mga pinaka mahalaga at pinakapangangailangan ng mga bagay ngayon sa mundo. Parang nursing, in demand. Kaya malamang, pera pa din ang tingin sa krudo o langis.

Mapunta naman tayo sa pulitika. Hindi ako galit sa mga politiko, sila lang muna ang pagiinitan natin matapos kong makakita ng sandamakmak na posters at commercials ng mga nagbabalak tumakbo sa darating na eleksyon. Bakit nga ba maraming naghahangad na makapasok sa pulitika? Bakit may mga senador o iba pang katayuan sa gobyerno ang gumagastos ng bilyong piso para sa kanilang commercials, leaflets, pamaypay, lapis, notebook, tarpaulin, banners, streamers, candy wrapper, sobre na pawang may mga mukha nila para tumatak sa isip ng botante ang pagmumuka nila. Bakit ang iba’y bumubili pa ng boto sa halagang 500 - 10,000php para lamang sa isang boto? Hindi naman hamak na may mas malalaking kumpanya ang nagpapasweldo na mas higit pa sa sinusweldo ng mga senador? Bakit hindi na lang sila magpatayo ng sariling mall? Negosyo. Oo. Negosyo ang tingin nila sa pag pupulitika. Pero naniniwala akong hindi lahat ng pulitiko ay ganito. May mangilan ngilan din namang may malilinis na mithiin para sa ating bayan. Kung pulitiko ka at nakaramdam ka ng galit, poot, inis, at pagkasuklam sa akin habang binabasa ito, isa ka sa mga sinasabi ko.

“iaangat ko sa hirap ang pilipinas!” (habang pinipilit na ngumiti, sabay lunok at pahid ng pawis sa noo at batok)

Iilan lamang sa mga gasgas at paulit ulit kong naririnig tuwing papalapit ang eleksyon. Parang script ng isang sikat na palabas o commercial, mabenta kahit paulit ulit.

Kung talagang bukal sa puso nila ang pagtulong sa mga mahihirap at nagugutom, hindi na nila pa kinakailangan pang tumakbo sa pulitika at gumastos ng bilyong bilyong salapi para lang sa pag papamuka sa sambayanan ang muka nila kalakip ang slogang “ako ang sagot sa mga tanong nyo!”. Bagkus ay gamitin na lamang ang mga perang ito direkta sa pagbigay sa mga nangangailangan. Hindi na kinakailangan pang tumakbo upang maging parte ka ng gobyerno. Kung hangad mo lang ay tumulong sa kapwa, hindi mo na kinakailangan pang maging sikat para lang maipamahagi mo ang yaman mo. Sa totoo lang lahat tayo ay may kakayahang tumulong sa bawat taong naghihirap. Kung taus puso ang pagbibigay mo sa kapwa mo, may matatanggap kang mas higit pa sa ibinigay mo.

Hindi ko alam kung bakit may mga taong mayayaman at may taong mahirap. Wala ang sinuman sa atin ang nakapamili kung anung klase ng buhay ang ating mararanasan kapag ipinanganak na tayo. Naisip ko lang kung lahat tayo ay makakapamili ng magiging stado ng buhay natin bago pa man tayo lumabas sa tyan ng ating nanay, wala ng salitang “poverty”. Nagaaral tayo para mag katrabaho, gusto nating magktrabaho dahil nais nating magkapera. Pera. Hindi ko parin maintindihan kung anung meron sa kakarampot na tanso at sa kakapirasong papel na ito at bakit napakaraming nagpapakamatay para dito.

No comments:

Post a Comment